Dear Kuya Ninong Philip,
Kuya ito po ang pagbati ni Lord sa inyo:
Mat. 25:21 “Well done, good and faithful servant, You have been faithful with a few things; I will put you in charge of many things. Come and share your Master’s happines”
Isa po kayo sa naging tatay at Mentor ko sa panahon ng aking kabataan. Pag na alala ko po kayo, at ikinukwento sa mga kabataan, yung passage sa (Isaiah 60 21-22 NIV) “Then will all your people be righteous and they will possess the land forever . They are the shoots I have planted, the work of my hands, for the display of my splendor. The least of you will become a thousand, the smallest a mighty nation. I am the Lord, in its time I will do this swiftly.”
Nasa Max’s Circle po tayo nung araw na yon kasama namin sila Concep, Efren, K. Jong, Judith at Dennis at iba pang SIKAP . Nung mga araw na yon di ko ma isip na pwedeng magyari sa amin o sa akin yung kung ano po kami ngayon. Lahat po kami kuya, ginagamit ngayon ng Panginoon…
Si Concep – Admin Officer ng Habitat for Humanities for more than 10yrs na.
Si Efren- Pa punta punta nalang sa ibang bansa, at ginagamit din ng Panginoon,
Si Judith – Artista ng CCP at UP tanghalan at papunta puntalang ng ibang bansa para mag tanghal
Si Che – Nasa GMA bilang accountant
Si Dennis- Tanyag na director, nasa New York ngayon
Sila ate Amie at K. Jong – nasa ibang bansa at ginagamit din ng Panginoon.
Ako po – Since May 2006 officer po ako ng Mission Ministries Philippines, at since 2009 Executive director ng Sagip Kalinga foundation, Maharlikang pinoy Manpowerservices at Execom ng Mission Ministries Phils. (ipag paumahin nyo -- hindi po sa pag mamataas ) Sa loob po ng isang taon nasa 5k families po ang natutulungan namin at na babahagian ng gospel, Sapamamagitan ng medical missions and livelihood trainings nakiki partner din po kami sa mga churches para sila ang mag alaga sa mga tao na na si sheran namin.
Nung time na yon --- We were just shoots ( di ko nga alam kung makakatapos kami lahat ng college dahil puro kami mahihirap) pero ginamit po kayo ng Panginoon para ang mga shoots ay lumago at lumaki at ngayon ay ginagamit na…. The least of us became a thousand, the smallest a mighty nation…
Salamat sa Paginoon, dumating kayo sa buhay namin, at nag turo ng tamang daan upang matahak namin ang tamang landasin… upang maganap ang nakatakda at nais ng Panginoon Jesus…
Luwalhati sa Panginoong Jesus!!!
SALAMAT PO… Happy birthday…
Grace, Elmer, Gracelle, Graceteen, Elmer John
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento