Si PCF ang itinuturing naming tatay sa SIKAP noong high school days ko.
Sino ang role model ko? Sino ang gusto kong maging balang araw? Ilan yan sa mga tanong na hirap akong sagutin. Hindi ako naniniwala sa role models noon. Kasi sabi ko, ako ang bubuo ng sarili kong identity.
Pero when I saw the wisdom of Kuya Philip at yung kasimplehan ng kanyang pamumuhay pero nagagawa pa rin niyang mag-share sa iba, dun ako nakabuo ng idea na ganito ko ‘gustong maging’, balang araw. Ganito ko gusto maging kapaki-pakinabang ang buhay ko para sa iba. At kapag naging magulang ako, gusto ko ang paraan ng pagpapalaki ni Kuya Philip sa kanila.
Ang pinakamatagal ko na atang bonding with him is when I joined the SIKAP people na mangisda sa lake Mohicap ng San Pablo, Laguna. Dun ko natutunan ang kasabihang: “patience is a virtue. Be like a fisherman”. Nakahuli naman ako ng tilapia na pinagsaluhan namin ng dalawang araw kasama ang iba pang taga-SIKAP.
Hindi ko man nakasama ng mas matagal si PCF sa mga bondings ng SIKAP at hindi ko man siya naka-heart-to-heart talk, a part of him stays with the people that I bonded with. Malaking bahagi ng buhay ko ang SIKAP.
Sa SIKAP ako natutong maging servant-leader. Ang yakapin ang uniqueness ng bawat isa at mahalin ang bawat tao sa kung sino sila at hindi sa kung sino ang gusto kong maging sila. Paborito kong batian dati with SIKAP staff ang “saan ka nagmumula?”. Dito rin higit na natutunan ang pagmamahal at kabutihan ni LORD sa akin. Ilang beses ko ring binasa yung binigay nilang bible with daily bible guide.
Isang holistic approach ang atake niya sa katauhan ng isang kabataang Pinoy.
Natutuwa ako kasi hanggang ngayon, patuloy pa rin na nang-iinspire ng kabataan si Kuya Philip. Malaking bagay yun lalo na sa age group na nakakasalamuha niya. Through PCF at ang kanyang vision sa kabataang Pinoy, mas maraming mabubuti at responsableng mamamayang Pinoy ang tumutulong mapaganda ang kalagayan ng Pilipinas.
Saan man kami makarating kasi hanggang ibang bansa nakarating na rin ang mga produkto ng pangarap ni PCF. Hindi na mawawala ang itinanim mong punla sa puso naming na mas piliin ang maging mabuti at magbahagi ng sarili sa iba.
Sabi nila, isang pinakamahalagang regalo na pwede mong ibahagi sa iba ay ang oras, kasi hindi na ito maibabalik kapag lumipas na.
Kuya Philip, hindi nasayang ang mga panahon na inilaan mo sa amin.
Maraming Salamat at Maligayang Kaarawan.
Liezl A. Mendoza
SIKAP, Batch Aguinaldo
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento