Huwebes, Setyembre 29, 2011

Josephus Gayona

Si Kuya Philip ang salamin ko sa pagtanda. Siya ang nagsilbing inspirasyon sa lahat sa SIKAP at lalo na sa akin. Sya ang dahilan kung bakit lumaki akong lider na isinasapuso ang paging Makadiyos, Makabayan at Makatao.  Naaalala ko pa na dati sa dami at napakahabang mga talk nya halos makatulog na ako pero isa sa mga natatandaan ko sa mga sinabi niya ay "Leaders are not born but made". Kaya naman in my own little way, I created myself into a leader puno ng prinsipyo, may tiwala sa Diyos, may puso at handang ibahagi sa iba ang dunong at talino upang ang susunod na henerasyon ay makahubog ng bagong lider.

Salamat Kuya Philip sa pagiging pangalawang ama, well ngayon wala na si Nanay at Tatay, kahit di na tayo nagkikita ikaw na ang Ama't ina namin ni Kuya Antonio sa puso namin.

Maligayang Bati sa iyong kaarawan, naway marami pang Kuya Philip ang kumalat sa Pilipinas at sa buong Mundo. Tunay na salamin ka ng isang Lider!!!

God Bless :)

Josephus C. Gayona - Pangkat Mabini

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento