Dear Kuya Pcf,
Nais ko rin pong bumati sa iyong kaarawan. Nais ko ring magpasalamat sa malaking bahagi ninyo sa buhay ko. Palagi ko pong tinatandaan ang mga itinuro nyo sa akin lalo na sa larangan ng pag-awit. :-D Hindi po nalalaman ng lahat na kayo po talaga ang nagturo sa akin kumanta. hehe! Ganun din sa pag-aartista, sa pagiging anak, pagiging kaibigan, pagmamahal sa kapwa at sa bayan, at higit sa lahat sa pagiging anak ng Diyos. Patuloy ko pong pinasasalamatan ang Panginoon sa pagbibigay Niya sa akin ng mga taong katulad ninyo. Salamat po muli sa pagmamahal ninyo simula pa noon. Dalangin ko na patuloy kayo, sampu ng buo ninyong sambahayan, na puspusin ng Diyos ng pagpapala, maayos na kalusugan, kasiyahan at katagumpayan.
Nagmamahal,
Jud
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento